ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Si Zubiri at ang ‘math-politics’ kay Sen. Koko Pimentel


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa pagiging abogado at pulitiko, mathematician din si Senador Aquilino “Koko" Pimentel III. At sa kinakaharap niyang problema tungkol kay dating Senador Juan Miguel “Migz" Zubiri, ipinaliwanag niya kung bakit may exemption sa kasabihan sa pulitika na "politics is addition." Sa State of the Nation with Jessica Soho ng GMA News TV nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Pimentel kung bakit hindi niya kayang makasama sa senatorial slate ng United Nationalist Alliance (UNA) ang nagbitiw na si Zubiri. Jessica: Nakapagpasya na po ba kayo? Ilang percent na ba? Or have you reached ang tinatawag nila na point of no return na? Koko: Actually, hindi pa ako ready na ihayag yung aking desisyon. Nung Lunes lang naman natanggap si Zubiri as nominee for senator. ‘Yon yung aking pinipigilan kaya nag-verbal objection ako, nag-written objection ako, eh nangyari na nung Lunes. Anyway, dalawang araw palang ang nakalipas. Ang sabi ko na lang, allow me to consult with my partymates, ang aking supporters and leaders. At saka noong 2007, 11 million din ang bumoto sa'kin more or less nandoon. To find a way na kumuha ng feedback sa kanila using the internet, the social media, ano bang dapat kong gawin? In conscience talaga, kung ako lang talaga, hindi pa rin nagbabago yung sinasabi sa'kin ng konsensya ko na, ‘you cannot run with Migz Zubiri under the same senatorial slate.’ Jessica: So mahapdi pa ang puso mo? Koko: Pero it's nothing personal. Forgiven ko na si Migz. When I see him, I greet him. Nilalapitan ko 'yan, kinakamayan ko, kinakausap ko. Noong birthday niya, binati ko pa 'yan. Pero nagreklamo pa siya sa greeting ko, nilagyan niya ng kulay. Napatawad ko na po, pero ang tanong ko, bakit ako sasang-ayon sa political strategy niya? Because you know, this may be part of his political strategy na sumali siya sa ticket na kung nasaan ako. Kasi tandaan natin, nauna ako sa UNA, I was there first, then sumali siya. Siguro to silence, because I am the authority sa issue ng dayaan sa 2007. Hinandle ko ang sarili kong kaso, alam ko yung mga detalye diyan. If we are together in a ticket, then his credibility rises, kasi now, silent ako. My issue is silenced. So nakakasakay na siya ngayon sa'kin. This may be part of his political strategy. Ngayon, galit siyang ayaw kong sumayaw sa musika niya. Is it my fault na ayaw kong sumang-ayon sa political strategy niya? Jessica: Pero ang dami nang pumagitna sa inyo, no less than your ninong, the former president Joseph Estrada. Parang he has tried to play his cards with you. Koko: Tama naman po iyon, kasi nga tatlo 'yung members ng UNA policy making body, yung executive committee naming… Vice President (Jejomar) Binay, former President Erap (Estrada), and Senate President (Juan Ponce) Enrile. Tama naman that they exert their influence and their power to try to reconcile us. Pero kung hindi talaga kaya, bakit pipilitin? So ganon din naman ang attitude nila, sabi nila ang bola nasa akin, ganon din ang attitude nila. Kung hindi kakayanin, bakit natin pipilitin. Jessica: Mukhang sa tema ng pananalita niyo bukas kayo sa lahat ng possibilities. Nililigawan daw kayo ngayon ng Liberal Party. Koko: Pero sabi ko, saka na muna 'yan kasi medyo mayroon pa kaming “MU" ng PDP-Laban at PMP. Actually, we signed a coalition agreement. Everything was fine until dumating nga si Zubiri, after the signing na yun e, nagpa-member siya ng PMP. At sa tingin ko, inonominate siya as senatorial candidate, kaya po ako nag-object. Noong Monday, nadesisyunan na po nila. Jessica: From MU, naging it's “complicated" na ngayon. Koko: Actually, it's “complicated." Jessica: So paano na iyon? Nasa limbo ba kayo ngayon? 50-50 ba? Just give us an idea where you are. Koko: If I were to decide this by myself, wala pa akong maisip na solusyon. So I need to consult, malay mo may brilliant idea pa diyan, somewhere on how to resolve this. Kasi sabi, hindi ko kakayanin. Sabi ko, kahit magkunwari akong okay sa akin, pagdating ng February 2013, nangangampanya ka na, makakapagsalita ka na ngayon diyan, masasaktan naman ang isa. Magrereklamo ngayon siya, "Inatake ako ni Koko!" Magrereklamo siya hierarchy ng UNA, then gulo na naman. Jessica: In the meantime, it's not healthy. Even your father, nagsalita na ngayon. Sabi niya, pera-pera lang daw kaya isinama si Zubiri sa lineup ng UNA. Pwede pa sanang maayos pero mukhang lumalayo sa punto na pwede pang maayos. Koko: Ayon na nga, ayaw ko na sanang palakihin ang issue, yung bakbakan diyan. Sana i-contain na lang namin. Ang issue is my conscience, my principles tell me that I cannot run in the same senatorial ticket with Migz Zubiri. 'Yon lang po, that is the issue. Ngayon, medyo lumalaki na. Kaya balik lang po. If we want to solve this, balik lang po sa isyu na yun. Jessica: Pero sinabi na rin ni dating Pangulong Estrada na pinaimbestigahan na niya ang cheating noong 2007 elections, at nakita raw niya na hindi kasama si Migz Zubiri. At in fact, wala si Migz Zubiri doon sa respondents, mga kinasuhan ng cheating noong 2007. He is innocent until proven guilty raw. Koko: Actually, maganda yung saying na yun. Pero marami ang involved sa dayaan noong 2007 na hindi pa nakakasuhan. So huwag nating sabihin na just because walang kaso, o hindi nakakulong, hindi na involved. Yung mga municipal election officers pa lang sa bawat bayan, involved yung mga 'yon. So anyway, ang gusto ko lang sabihin, huwag tayo masyadong magmadali sa pag-file ng kaso kasi hindi pa naman prescribe ang krimen na nagawa. Jessica: What will it entail para bumalik kayo sa UNA o hindi umalis sa UNA? Koko: If my conscience can now accept the situation, the arrangement ngayon, walang nabago. Sa ngayon nga lumala. Yung scenario na ayaw kong mangyari, kaya nga ako nag-object ay nangyari noong Lunes. Jessica: Pardon me for asking, pero ang politika, addition, multiplication, never subtraction. Yung mga nagkakaaway sa politika, bukas nagkakamayan, nagyayakapan. Pero ito kakaiba, you were able to forgive but not forget. Koko: Delikado rin kasi kung sabihin nating kalimutan na ang lahat, therefore wala tayong natutunan sa experience. So mali rin ang saying na kalimutan na ang lahat. Forgive, pero huwag nating kalimutan ang lahat, and let's learn our lessons. And siyempre kung may advocacy ka, huwag nating sirain ang advocacy by being inconsistent. If I run with the biggest beneficiary of the fraud in 2007, I am being inconsistent. Ngayon, balikan ko yung "politics is addition." As a mathematician, alam niyo, if you add a negative number, that is actually subtraction. Kaya mag-ingat din po tayo. Even though politics is addition, let us not add a negative number. Jessica: On other issues, yung Supreme Court today said they will still use yung PCOS machines, gaya ng gusto ng Comelec. Koko: Well, that is good news for the Comelec. Ang Comelec nagrereklamo sa lack of time, baka raw bumalik sa manual. So automated na tayo. Okay naman ang automated, gusto natin, pero yung specific Smartmatic PCOS machine, gusto nating imbestigahan kung talaga bang fraud free iyon. That's why nung nalaman kong binigyan na ng go signal ng Supreme Court ang Comelec, sabi ko, "I am the chairman ng Senate committee ng electoral reforms." Jessica: Tamang-tama kasi nadaya kayo. Koko: Magpapatawag ako ng hearing for Smartmatic now to demonstrate or conduct a demo on their supposed to be improved Smartmatic PCOS. Jessica: Ang tanong ko po diyan, Senator Pimentel, ang tagal-tagal nang tapos ang 2010 elections. Bakit kung kailan mag-e-election na next year, saka palang natin iimbestigahan? Didn't you have enough time na dapat nagawa na natin 'yan? Koko: Actually, matagal na yung investigation na 'yan. Yung Comelec ang nag-start, then tuloy-tuloy sa Lower House, then the Senate tuloy-tuloy. Pero ang challenge ko sa nag-o-object, wala ba tayong kongkretong ebidensya na hindi marunong magbilang ang makina? Yun ang aking hinahanap. Kasi pagdating sa vote buying, yung padded na voter's list, hindi na kasalanan nung makina. Election fraud 'yan pero ibang klaseng fraud 'yan. Ang gusto kong malaman ngayon, yung makina ba ay marunong at tamang magbilang? Jessica: At dapat madali lang nagawa 'yan kasi kukunin mo lang yung memory card o yung software sa loob ng computer. Koko: Actually, under the law, dapat nga dinouble check 'yan, yung sa tinawag nilang random manual audit. Mamimili ng presinto, magbibilang ng manual sa balota at iko-compare sa automated result. Ang nangyari, even ang random-manual audit, hindi pa maganda ang pagka-carry out. So ang resulta nun, nabalewala sa auditing or countered checking mechanism. Jessica: After ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, yung iyong SALN, was that declared truthfully and completely? Koko: Of course, nandoon lahat. Jessica: Yung waiver po, na may campaign ngayon na sana pumirma rin ng waiver ang lahat government officials katulad ng ginawa ni Chief Justice Renato Corona. Koko: Parang noong Thursday yata, pumunta yung members of the media sa office ko, challenged me to sign the waiver. Ang sinabi ko, I will sign it but pinapa-draft ko pa noong Thursday, and I have not been back to the office. So bukas, I will do it. Jessica: So when do we expect na ia-announce niyo ang iyong pasya kung babalik ba kayo o will stick to UNA o you will go with the Liberal Party na panay ang ligaw sa inyo? Anong mangyayari sa PDP-Laban? Si Binay, who is with PDP-Laban is with UNA. Koko: Ito talaga, whatever happens, hindi ko iiwan ang partido kong PDP-Laban. Diyan na ako nag-invest ng pawis at dugo sa PDP-Laban. At gusto ko, kahit mag-end na political career ko, isang party lang ang nasalihan ko. So whatever happens, I will stick with my party. Ngayon, I'm giving myself two weeks to conduct my consultation. I need to reach out sa 11 million na bumoto sa'kin. Jessica: Maraming salamat, Senator Koko Pimentel. Koko: Salamat din po. – Mandy Fernandez/ FRJ, GMA News

Tags: talakayan,