ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DOLE: Remittance via local banks pabor sa RP


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hihikayatin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na idaan sa mga lokal na bangko ang ipadadalang pera sa Pilipinas. Sinabi ni Labor Secretary Arturo Brion na higit pa sana sa tinatayang $13 billion ang pumasok sa Pilipinas na remittance nitong 2006 kung dumaan sa local banks ang perang padala. “All these money (in dollars) from OFWs should be brought into the country so that it could be used by the economy. Some remittance channels remit the money in pesos… that is why we lose the dollar," ani Brion. Kadalasan, pinipili ng mga OFW ang remittance channels na nag-aalok ng mas malaking palitan ng piso kontra dolyar. Kaya naka-convert na sa piso ang mga dumarating na pera mula abroad, dadag pa ni Brion. Sinabi ng opisyal na nakipag-ugnayan na DOLE sa Bangko Sentral ng Pilipinas para tulungan ang local banks na makapasok sa remittance business. Bukod dito, mayroon din umanong programa ang DOLE na imulat ang mga OFW sa kahalagahan ng dolyar na papasok sa Pilipinas, kaya dito na dapat gawin ang palitan. Batay sa talaan ng BSP noong 2004, ang Pilipinas ang pang-lima sa mga bansa na may pinakamalaking dollar remittance sa buong mundo, na umabot sa $8.6 billion. Nangunguna ang India ($21.7 billion), kasunod ang China ($21.3 billion), Mexico ($18.1 billion) at France ($12.7 billion). Noong 2005, tumaas ng 25 porsiyento ang bilang ng mga OFW na nagpadala ng dolyar sa pamamagitan ng mga bangko. Sa naturang taon, ang top dollar senders ay US ($6.4 billion), Saudi Arabia ($949.4 million), Italy ($430.1 million), Japan ($356.7 million), Hong Kong ($338.9 million), United Arab Emirates ($257.4 million), Singapore ($240.1 million), Germany ($134.8 million), at Canada ($117.1million). –GMANews.TV

Tags: Remittances