ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

300 ektaryang sakahan sa Pangasinan, hindi matamnan dahil sa kakulangan sa patubig


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sakabila ng mga nagaganap na pag-ulan, hindi umano matamnan ng mga magsasaka sa Asingan, Pangasinan ang tinatayang 300 ektaryang lupang sakahan dahil sa kakulangan ng patubig. Sinabi sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, na hindi na umano nagagamit ng mga magsasaka ang may siyam na kilometrong irrigation canal sa lugar dahil wala na itong tubig. Hindi rin daw sapat ang naipong tubig ng mga magsasaka na nanggaling sa ulan. Inihayag naman ng National Irrigation Administration (NIA) na sinimulan na nilang ayusin ang irrigation system sa lugar. Pero sa ikatlong linggo pa raw ng Hulyo matatapos ang naturang proyekto. -- FRJ, GMA News