ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Comedy King Dolphy, inihatid na sa kanyang huling hantungan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Comedy King Rodolfo "Dolphy" Quizon Sr. bandang alas-2 ng hapon nitong Linggo sa The Heritage Park, Taguig City. Bago ang libing, nagdaos muna ng memorial Mass para sa kanya ang kangyang mga kaanak at kaibigan.

Comedy King Dolphy's casket is brought to his final resting place at The Heritage Park on Sunday. The family kept the last Mass private for immediate relatives and friends. Sandra Aguinaldo
Inilabas sa chapel ang kabaong nang yumaong aktor-komedyante pagkatapos ng Misa. Hindi tumigil sa kaiiyak ang kanyang mga anak, miyembro ng pamilya at malapit na mga kaibigan kahit pinayuhan ng pari na ngumiti na lamang. Lahat ng mga kaanak at mga malapit na kaibigan ay nakasuot ng puting damit maliban na lamang sa kanyang long-time partner na si Zsa Zsa Padilla, na nakasuot ng itim. Sa harap ng kanyang puntod, pinasalamatan ni Zsa Zsa ang lahat ng mga taong sumoporta sa comedy king. Pagkatapos nito, nagsabog ng confetti at nagpalipad ng mga puting kalapati ang mga nakiramay sa pamilya at kaanak ni Dolphy.   Pumanaw ang batikang aktor noong Martes, alas-8:34 ng gabi sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center, matapos ang isang buwang pakikipaglaban sa mga sakit na pneumonia, multiple organ failure at acute renal failure. — LBG, GMA News
Tags: dolphy