ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

5 bahay nabagsakan ng 3 puno sa Antipolo City; mga residente ligtas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wasak ang limang bahay sa Antipolo, Rizal, ng nabagsakan ang mga ito ng tatlong puno Martes ng gabi. Wala naman umanong nasaktan sa mga residente na natutulog sa kani-kanilang mga bahay nang sunud-sunod na natumba ang dalawang puno ng niyog at isang puno ng mangga na dumagan sa mga bahay sa Sitio Agila, barangay de la Paz, Antipolo, ayon sa ulat ni Glenn Juego sa dzBB. Ayon kay Joey Margo, Municipal Risks Reduction Management Council (MDRRC) Officer ng Antipolo, bumagsak ang mga puno dahil sa malakas na hangin at ulan sa lugar. Kasalukuyang ginagawa ngayon ang clearing operations sa nasabing lugar. — LBG, GMA News