ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Durian, sangkap sa iba’t ibang pagkain sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasabay ng isang buwang selebrasyon ng Kadayawan Festival sa Davao City ngayong Agosto, ibinida nila ang iba’t ibang pagkain na hinaluan ng ipinagmamalaking durian ng lungsod. Sa ulat ni Marlon Palma-Gil sa GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, ipinakita ang ilang putahe na sa unang tingin ay aakalaing karaniwang pagkain lamang; pero kapag natiklam na ay malalasahan ang twist dahil sa sangkap nitong durian. Ilan umano sa mga putahe na ito ay ang boneless steamed chicken, pork spareribs, at rolled bacon. Ito ay patikim pa lamang umano para sa isang buwang selebrasyon ng kapistahan ng Kadayawan na magsisimula ang seremonya sa Biyernes sa People's Park Great Lawn. Samantala, bilang bahagi ng ipatutupad na seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa kapistahan ng Davao City, iniutos ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome, na suspindihin ang mga permit to carry firearms ng mga tao sa lungsod. "In view of the scheduled 'Kadayawan' festival, all Permits to Carry Firearms Outside of Residences (PTCFORs) are hereby suspended for a period of one month in Davao City effective August 1-31," nakasaad sa kautusan ni Bartolome kay Chief Superintendent Jaime Morente, Police Regional Office (PRO) Davao regional director. - FRJ, GMA News

Tags: durian, davao, city