ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Atleta, nasawi sa Ironman 70.3 Triathlon race sa Cebu
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang 44-anyos na atletang kalahok sa Ironman 70.3 Triathlon race sa Cebu ang nasawi matapos mahulog sa kanyang bisekleta. Sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, sinabing nabagok ang ulo ni Ramon Igaña Jr. matapos matumba ang pinapatakbo niyang bisekleta habang sumasali sa karera. Lumitaw sa awtopsiya na dahil sa pagkakabagok ng biktima, nagkaroon ito ng acute pulmonary embolism o pagbara ng namuong dugo sa ugat kaya ito pumanaw. Nangyari umano ang sakuna habang binabagtas ni Igaña ang South Coastal road sa Brgy. Cansojong sa lungsod ng Talisay, Cebu. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular