ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 bomba, sumabog sa magkahiwalay na lugar sa N. Cotabato


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang pagsabog mula sa hindi pa nabatid na bomba ang naganap sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato nitong Biyernes ng gabi. Ang unang pagsabog ay naganap sa QuakNet Cafe sa USM Avenue sa bayan ng Kabacan dakong 8:15 p.m. Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan police, ang pampasabog ay inilagay sa bubungan ng net cafe. Walang nadakip at wala ring nasaktan sa naturang insidente. Matapos ang pagsabok sa Kabacan, isa pang pagsabog ang naganap naman sa bagsakan ng gulay sa boundary ng Barangay Poblacion at Dungguan sa national highway sa bayan ng M’lang, dakong 8:30 p.m. Ito na ang ikatlong insidente ng pagsabog sa lalawigan sa linggong ito. Nitong Lunes, lima katao ang nasugatan nang pasabugan ng mga hindi kilalang suspek ang detachment ng CAFGU sa bayan ng Pikit. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang mga pagsabog ay kaugnayan sa engkwentro ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao. – MCM/FRJ, GMA News