ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sunod-sunod na pagkamatay sa mga aso sa Davao City, palaisipan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Palaisipan ngayon sa mga residente sa isang subdibisyon sa Davao City ang sunod-sunod na pagkamatay ng may 10 aso sa kanilang lugar. Sa ulat ni Rose Bernales ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing magkakasunod na namatay nitong Huwebes ang mga aso. Kasama sa mga namatay ay ang tatlong aso ni Gng Jing Salinas. Kwento ni Salinas, parang naka-droga na nagpapaikot-ikot ang kanyang mga aso bago tuluyang namatay. Bagaman palaisipan pa ang naturang insidente, may hinala ang mga residente na sinadyang lasunin ang mga aso ng mga taong may masamang binabalak sa lugar. Noong 1996, nangyari na rin umano ang pagkamatay ng maraming aso sa lugar na sinundan ng serye ng nakawan. Kahit iniimbetigahan pa kung sadyang nilason ang mga aso, naghanda na ang mga opisyal ng barangay at residente sa lugar para pag-ibayuhin ang pagbabantay sa kanilang subdibisyon. - FRJ, GMA News