ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
4 na miyembro ng isang pamilya pinatay sa Bulacan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Apat na miyembro ng isang pamilya, kabilang ang dalawang bata, ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa kanilang bahay sa Bulacan Miyerkules ng gabi. Ayon sa report ni Glenn Juego sa DZBB, kinilala ni Chief Inspector Alfonso Cruz, hepe ng Balagtas pulis,ang mga nasawi na sina Rodrigo Roque, 77-anyos; anak niyang si Christina Sta. Ana, at mga apong sina Corrine Joy Sta. Ana, 12-anyos at Christian Sta. Ana, 10-anyos. Ang kanilang mga katawan ay natagpuan sa kanilang bahay sa St. Francis Village, Burol II sa bayan ng Balagtas. Sinabi ni Cruz na posibleng pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil wala ng laman at nakabukas ang safety vault ng biktimang si Rodrigo Roque na isang rice miller.
Madali umanong nakapasok sa loob ng bahay ang mga suspek dahil wala namang mga marka na makita sa mga pintuan ng bahay na puwersahan itong pinasok. — RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular