ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Masangsang na amoy, itinuro ang bangkay sa binahang bahay sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa masangsang na amoy, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang binahang bahay sa barangay Malued sa bayan ng Dagupan, Pangasinan. Ayon sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing inireport ng mga residente sa pulisya ang mabahong amoy na nagmumula sa isang bahay. Nang puntahan ito ng mga pulis nitong Miyerkules ng gabi, nakita ang bangkay ng lalaki na nakalutan sa kanyang binahang bahay. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng lalaki. – FRJ, GMA News