ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga nakatira sa gilid ng Mali-Ao creek sa Iloilo, nagsilikas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Napilitang magsilikas ang mga nakatira sa gilid ng Mali-Ao creek sa Pavia, Iloilo dahil sa patuloy na pagguho ng lupa sa nasabing lugar. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing tatlong bahay na ang nasira dahil sa pagguho ng lupa na nilalamon ng tubig. Dahil sa pagragasa ng tubig, umabot na umano sa 100 metro ang inilawak ng creek. Nitong nakaraang linggo, kabilang ang Iloilo City sa mga lubhang naapektuhan ng pag-ulan na dulot ng Habagat. Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa Department of Public Works and Highway para masolusyunan ang problema. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular