ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bubong ng ilang bahay, paaralan, tinuklap ng ipu-ipo sa Davao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ginulat ng malakas na hangin ang mga residente sa Sitio Bakutan, Astorga, Davao del Sur na sinasabing dahilan ng pagkakabaklas ng bubong ng ilang bahay at isang day care center. Sa ulat ng GMA News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing ilang bangka rin ang nasira ng malakas na hangin. Kanselado muna ang klase sa day care center habang kinukumpuni ang paaralan. Samantala, isang bata na dalawang taong gulang ang nasawi sa Zamboanga City nang malunod umano sa balon na nasa likod ng kanilang bahay. Hindi umano namalayan ng ama na nakarating sa balon ang kanyang anak. - FRJ, GMA News