ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 nakatakas na preso sa Lapu-lapu, Cebu, tinutugis ng mga pulis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patuloy ang paghahanap ng mga pulis sa dalawa pa sa apat na bilanggo na nakatakas sa isang piitan ng Lapu-lapu Police substation 3 sa Cebu. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Lunes, sinabing nakatakas ang apat na bilanggo noong Sabado. Kaagad namang nadakip ang dalawa sa kanila nitong Linggo. Kuwento umano ng dalawang nadakip, nakalabas sila ng piitan sa pamamagitan ng pagsipa sa marupok na rehas ng kulungan. Idinagdag sa ulat na nanganganib na masibak sa trabaho ang pulis na nakatalagang magbatay sa mga bilanggo dahil sa kapabayaan. Tumanggi umano ang pulis na magbigay ng kanyang pahayag sa nangyaring insidente. – FRJ, GMA News