ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

‘Most wanted’ sa CamSur, naaresto ng mga operatiba ng CIDG


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y "most wanted person" ng Camarines Sur. Sa ulat ng CIDG nitong Martes na nakalagay sa kanilang website, kinilala ni CIDG Chief Police Director Samuel Pagdilao ang naaresto na si Juanito Ona, alyas "Totoy Ona," 42-anyos at residente ng Naga City. Sinasabing nadakip si Ona noong Sabado sa loob ng E-Games center sa Daet, Camarines Sur. Ito ay base na rin sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 76 ng Quezon City para sa kasong murder, at ng RTC Branch 23 ng Naga City para sa kasong robbery. Sangkot umano si Ona sa iba’t ibang kaso at may nakalaang pabuya na inilabas ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa kanyang ikadarakip. Sinabi ni Pagdilao na naaresto ang suspek dahil na rin sa impormasyon na ibinigay ng isang civilian volunteer group na sumusporta sa operasyon ng CIDG. Nakuha rin umano sa suspek ang dalawang baril (Cal.45 at Cal. 9mm), mga bala at isang "tampered" na Identification card ng PNP. Sa naturang ulat ng CIDG, iniugnay ni Police Senior Superintendent Pedro Cabatingan, Jr., hepe ng CIDG Legazpi, si Ona sa pagbaril at pagpatay sa isang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Si Ernesto Tria, dating Regional Director ng DPWH ay binaril at napatay sa sa Naga City airport noong 1995. Kasalukuyang nakadetine sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Naga City ang suspek. -- MM/FRJ, GMA News