ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Imahe ng Our Lady of Peñafrancia, nakarating na sa Naga mula Manila


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakarating na ang imahe ng Our Lady of Peñafrancia, ang patrona ng Bicol region, sa Naga City sa Camarines Sur, Miyerkules ng gabi, inihayag ng Philippine National Railways nitong Huwebes. Sa kanilang Twitter account, inihayag ng PNR na agad na dinala ang imahe sa Peñafrancia Shrine mula sa Naga PNR station. "The INA (Mother Mary) will be there until the Traslacion this Friday when it will be transferred by the 'voyadores' (all male devotees) to the Naga City Cathedral. The Traslacion marks the start of this year's Penafrancia festivities," ayon sa PNR. Noong Miyerkules, umalis ang special PNR pilgrimage train na dala ang imahe ng patrona sa PNR Tutuban station sa Manila. Nagsagawa ng pre-departure Mass at vigil para sa patrona na idinaos sa Tutuban station noong Martes ng gabi. Ibinalik ang imahe sa Naga para sa isang-linggong pagdiriwang ng pista ng Peñafrancia sa ikatlong linggo ng buwan, ayon sa isang artikulo ng Church-based site na YouthPinoy.com. Ayon naman sa PinoyCatholics.org na website, ang debosyon sa "Ina" ay bahagi ng Marian devotion, isa sa mga Katolikong tradisyon ng mga Pilipino na naniniwalang pakikinggan sila ni Mary, ina ni Hesus, at dadalhin ang kanilang mga panalangin sa Panginoon. Ayon nito, maaaring nagmula ang debosyon sa "Ina" mula sa milagro noong 1700s, na nangyari sa Covarruibias family ng San Martin de Castañar, na nag-migrate sa Pilipinas at tumira sa Cavite. Sa panahong iyon, isa sa mga miyembro ng pamilya, si Miguel, ay naging sakitin habang nag-aaral sa University of Santo Tomas sa Manila. Isang deboto si Miguel ng Our Lady of Peñafrancia. Mayroon umano siyang nahanap na painting ng imahe na ginuhit ni Simon Vela, at kapag ilagay niya ito sa isang bahagi ng kanyang katawan, nawawala ang kanyang sakit. Umuwi sa Naga si Miguel at naging diocesan priest at sa kalaunan, naging Vicar General ng Diocese. May isa pang kwento kung saan may isang aso sa na pinatay upang gamitin ang dugo nito upang pintahan ang bagong karbang replica ng statue ng our Lady of Peñafrancia. Ayon sa kwento, itinapon ang patay na aso sa ilog, ngunit nabuhay ito muli at lumangoy. Sa Naga, tumatagal ng isang linggo ang Pista ng Our Lady of Peñafrancia, simula sa ikalawang Biyernes ng Setyembre, kung kailan inilipat ang milagrosong imahe ng Ina mula sa kanyang shrine patungong Naga Metropolitan Cathedral sa isang "translacion" (prosesyon). Sa kabila ng init ng araw, nakaluhod at nakayuko ang mga deboto habang dumadaan ang Ina sa downtown Naga sa isang makulay na pagoda. Magsagawa rin ng "human barricade" ang mga nakapaang voyadore upang protektahan ang imahe upang hindi madumog ng mga deboto . Sinusundan ito ng panggabing prosesyon, kung saan may dala ang mga deboto na kandila habang nakaluhod at nakayuko sa pagdadasal. Kapag makarating na ang imahe sa destinasyon, sisigaw ang mga tagasuporta ng "Viva la Virgin.” — Mandy Fernandez /LBG, GMA News