ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mag-asawa sa Tagum City, patay sa riding-in-tandem


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang mag-asawa matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin na nakasakay sa motorsiklo sa Tagum, Davao Del Norte. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing pauwi na sa kanilang bahay ang mag-asawang Adriano at Generosa Razonable nang tambangan sila ng mga suspek. Palaisipan pa sa mga awtoridad ang motibo ng pagpatay. Samantala, isang pulis ang nakitang patay sa ilalim ng tulay at may tama ng bala ng baril sa dibdib sa Davao City. Ayon sa isang saksi, bago natagpuan ang bangkay ng pulis, nakita pa niya itong umiinom ng alak at pagkatapos ay nagtungo sa ilalim ng tulay. Inaalam pa ng mga imbestigador kung pinatay o nagpatiwakal ang pulis. – FRJ, GMA News