ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

20 pasahero, sugatan sa aksidente sa jeep sa QC


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sugatan ang 20 na mga pasahero, isa sa kanila kritikal ang kalagayan, nang tumgilid ang sinasakyang jeepney matapos itong sumampa sa center island sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City umaga nitong araw ng Linggo.   Sa ulat ni Manny Vargas sa dzBB, nangyari ang insidente sa harap ng Commowealth Market at agad namang tinutulungan ng rescuers ang mga biktima.  Isa sa mga pasahero ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa malaking sugat nito sa batok, ayon sa ulat. Agad namang nadala sa East Avenue Medical Center ang mga sugatang pasahero.   Ayon sa driver ng jeepney na si Roel Duka sa panayam sa dzBB, lumusot lamang umano ang preno ng jeep ng tapakan niya ito.   ‘Nag-engine brake ako. Hindi naman kumagat,” dagdag pa ng drayber.   Sinabi rin niya na napilitan siyang isampa sa center island ang jeepney dahil sa umanoy may mga sasakyan sa kanyang harap at may nakita siyang mga tao na tumawid.   Pagsampa ng jeepney sa center island, tumagilid ito, ayon sa kanya. — LBG, GMA News