ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DOLE: Illegal recruiter nahuli ng mga nabiktima sa loob ng POEA compound


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinabi ni Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz noong Martes na mismong ang mga biktima ang humuili sa isang "illegal recruiter" na nagkataong nasa loob ng compound ng Philippine Overseas Employment Administration sa mga oras na iyon. Ayon sa isang artikulo sa website ng DOLE, sinabi ni Baldoz na nangyari ang insidente noong Agosto 29, nang maaktuhan ang suspek na kinukumbinse ang kanyang mga biktima na mapalalabas sila sa bansa upang magtarabaho. Base sa ulat ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac, kinilala ni Baldoz ang nasakote na suspek na si Sandy Rhein Absalom Espina, alyas Sandrino Rafael Espina. Ayon sa report, inaresto umano si Espina matapos maberipika ng mga biktima mula sa POEA mismo na hindi lisensiyado na mang-recruit ang suspek. “I commend the courage and vigilance of the complainant workers in conducting a citizen’s arrest of an alleged illegal recruiter and putting a stop to this nefarious activity which puts our prospective overseas Filipino workers at a disadvantage and in distress,” ayon kay Baldoz. Ayon sa mga biktima, may dalawa pang mga kasama ang naarestong suspek. Kinilala sa nasabing report ang hindi pa nahuhuling dalawang suspek na sina Aldrin Chua at Cathy Molinar. Pinangakuan umano ng mga suspek ang mga biktima ng trabaho Dubai o sa Abu Dhabi bilang "salesamen, driver, salesladies, room boys, waiter at sales supervisors." Ayon naman kay Cacdac, lahat ng mga biktima ay nakolektahan ng mga suspek ng mula P5,000 hanggang P25,000 bawat isa sa kanila. Kasalukuyang nakakulong ang naarestong suspek matapos maisampa ang mga kaso laban sa kanya. Ang nabiktima ay kinila na sila: Julian Ratuita Jr., Elvis Tacus, Michelle Ann Villanueva, Marvin Villanueva, Maricel Lorenzo, Maria Cecilia Tacus, Karen Grace Escarda, Delia Laeno, Ryan Andres, Raquel Bali, Cherrie Ann Cajigal, Crisenta Suclo, Marc Joseph Fortuito, Marvin Baldugo, Eddie Cabuang, John Clifford Cabias, at Robert Sampayan, Jr. — LBG, GMA News