ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

16-anyos na lalaki, nakitang patay sa kisame


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang menor de edad na lalaki ang nakitang walang buhay na nakaipit sa kisame ng isang tindahan sa Davao City. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing posibleng pinilit ng biktimang si Samuel Buranday, 16-anyos, na pumasok sa tindahan sa pamamagitan ng pagdaan sa kisame. Kuwento ng isang kapitbahay, madaling-araw nitong Miyerkules nang makarinig sila ng iyak ng boses ng isang lalaki. Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas ay tumigil na rin ang panaghoy. Nang siyasatin umano nila ang pinanggalingan ng iyak, nakita nila ang nakapit na katawan ng biktima. Isinugod pa umano si Buranday sa ospital pero di na ito umabot ng buhay. - FRJ, GMA News