ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mangingisda nawawala sa paglubog ng 2 bangka sa karagatan ng Batangas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang mangingisda ang nawawala at dalawa naman ang nailigtas matapos lumubog ang dalawang bangkang-pangisda sa karagatan ng Nasugbu, Batangas, noong Miyerkules ng gabi dahil sa malalaking alon dala ng bagyong Marce. Sa ulat ni Cecille Villarosa, sinabi ni Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG), na lumubog ang dalawang bangka 200 metro mula sa dalampasigan ng Barangay Wawa. Ang nawawala ay kinilalang si Dante Sarasa, 59-anyos, na sakay sa isa sa dalawang bangkang lumubog. Kinilala ni Balilo ang mga nakaligtas na sina Gerardo Melgar, 39-anyos; at Ariel Cosare, 35. Nagawa umano ng dalawa na lumangoy papunta sa pinakamalapit na pampang, kung saan nasaklolohan sila ng mga kawani ng PCG. Nakabalik na umano ang dalawang mangingisda sa kani-kanilang pamilya, habang patuloy pa rinng pinaghahanap ang nawawalang mangingisda. — LBG, GMA News