ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dalagita, hinalay umano ng 4 na menor de edad sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagtatago na umano ang apat na menor de edad na inireklamo ng isang 12-anyos na babae ng panggagahasa sa Alaminos, Pangasinan. Kwento ng biktima na isang linggo na raw hindi lumabas ng bahay dahil sa takot, tatlong ulit siyang ginahasa ng mga suspek na kanyang mga kabarangay, ayon sa ulat ni GMA-Dagupan reporter Ronald Umangay sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes. Naganap umano ang unang panghahalay noong Setyembre 22 sa isang banyo na malapit sa ilog sa Alaminos. Nasundan pa umano ito noong Setyembre 24 at 26. Hindi umano nagawang makapagsumbong kaagad ang biktima dahil sa takot. Sa isinagawang pagsusuri ng medico legal sa biktima, lumitaw na nagalaw ang dalagita. Ayon sa pulisya, nasa edad 13 hanggang 17 ang mga suspek na hindi na umano mahagilap. Sinabi sa ulat na hindi rin makunan ng pahayag ang mga magulang ng suspek. Galit naman ang nararamdaman ng kuya ng biktima at nais na makulong ang mga suspek. Sumasailalim na sa counseling ng social welfare department ang biktima. - FRJ, GMA News