Babae sa Cebu, nagkwento sa himala umano sa kanya ni Blessed Pedro Calungsod
Nakatakdang ibiyahe sa Roma ang imahe ni Blessed Pedro Calungsod sa Cebu para sa nakatakda nitong canonization sa darating na Oktubre 21. Ayon sa Simbahang Katoliko ang kaso ng isang maysakit na pinagaling ni Calungsod ang naging basehan para ideklara itong santo. Subalit nananatiling lihim ang pagkatao ng sinasabing pinaghimalaan ni Calungsod bagaman madalas umano itong magsimba. Sa simbahan, naabutan ang isang babae na si Pelicitas Castro na umano'y pinagaling din ni Blessed Calungsod. Kuwento niya, dalawang duktor ang nagbabala sa kanya na maaaring mabulag siya dahil sa blood cloth sa kanyang mata. Ngayon, maayos na umano ang kanyang paningin dahil sa paghingi niya ng awa kay Calugnsod. Ayon kay Fr. Charles Jaime, official custodian ng imahe ni Calungsod na dadalhin sa Roma, hindi basta basta ang pagdedeklara ng Simbahan sa himalang nagagawa ng idinideklarang santo. – FRJ, GMA News