ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pulis, patay sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Parañaque


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kahit nakasuot pa ng helmet, agad ding namatay ang isang pulis na naka-motorsiklo, at isinugod naman sa ospital ang isang sibilyan na naka-motosiklo rin, matapos magsalpukan ang kanilang mga sasakyan sa Parañaque City.  Sa ulat ni Sam Nielsen sa dzBB, sinabi ni Sr. Supt. Conrad Capa, hepe ng Parañaque City Police Office, na nangyari ang aksidente sa may East Service Road, Sucat, dakong alas-6 ng umaga nitong Miyerkules. Kinilala ng opisyal ang namatay na si PO3 Apollo Cerillo, na miyembro umano ng Police Security Protection Group (PSPG) ng Philippine National Police (PNP). Papauwi na umano mula sa trabaho ang biktimang pulis nang mangyari ang aksidente. Agad namang dinala sa Parañaque Hospital ang nakabanggaan ng pulis na kinilalang si Erwin Cortez. Sa ulat din ng dzBB, sinabi ni PO3 Alemar Catane na siyang nag-imbestiga sa aksidente, na hindi pa rin malinaw sa kanila kung sino talaga ang may sala sa aksidente. — LBG, GMA News