ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki sa Iloilo, hindi nakaiwas sa kidlat, patay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki na inabutan ng pag-ulan sa bukid ang nasawi matapos itong tamaan ng kidlat sa Banate, Iloilo. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing nakita ng isang barangay tanod na nasa bukid ang biktima kasama ang isa pang lalaki. Nang biglang bumuhos ang ulan, naghanap umano ng masisilungan ang dalawa pero huli nang biglang tamaan ng kidlat ang biktima. Sinubukan din umano ng saksi na tulungan ang biktima pero siya man ay nakuryente rin. Wala na umanong buhay ang biktima nang dumating ang emergency team. – FRJ, GMA News