ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 nagpapahinga sa tabing-dagat sa Iloilo, nadaganan ng lumipad na pick-up truck


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang magkamag-anak ang nasawi at isa pa ang nasugatan nang mabagsakan sila ng isang pick-up truck na nalihis ng daan, lumipad at bumagsak sa tabing-dagat kung saan nagpapahinga ang mga biktima sa Dumangas, Iloilo. Kinilala ang mga nasawi na sina Levi Joy Dela Puerta at Raymund Donio. Samantala, tumakas sa pinangyarihan ng aksidente ang driver ng pick-up na kinilalang si John Rey Patricio. Subalit sumuko rin umano ito sa mga pulis pagkaraan ng ilang oras matapos ang insidente. Sa ulat ni Jennifer Moñeza sa GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, sinabing mula sa Dumangas ay patungo sana sa Iloilo City ang pick-up truck nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at mahulog ang sasakyan sa tabing-dagat. Ayon kay SPO1 Leonard Jardiolin ng Dumangas police, malubak ang daanan sa lugar pero mabilis umano ang takbo ng sasakyan kaya nawalan ito ng kontrol at lumipad patungo sa kinaroroonan ng mga biktima. - FRJ, GMA News