Magnitude-5.0 na lindol yumanig sa Eastern Samar
Isang magnitude-5.0 na lindol ang yumanig sa probinsiya ng Eastern Samar sa silangan Visayas nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol bandang 6:58 ng umaga at napag-alamang tectonic ang origin nito. Samantala, nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng aftershocks na dulot ng lindol. Ayon sa isang bulletin nito, sinabi ng Phivolcs na ang episentro ng pagyanig at natunton bandang 87 kilometro hilagang silangan ng Guiuan sa Eastern Samar. Hindi kagad sinabi ng Phivolcs kung anu-anong partikular na mga lugar ang nakaramdam sa pagyanig. Nilinaw naman ng ahensiya na wala namang naitalang damage mula sa lindol. Ayon naman sa United States Geological Survey, ang episentro ay mayroon ding layo na: