ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Saan makikita ang ‘City of Gentle People’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba kung saan bahagi ng Pilipinas makikita ang binansagang “City of Gentle People", na kinaroroonan din ng isang bell tower na kabilang sa mga pinakaluma sa buong Pilipinas. Dahil sa pagiging magiliw ng mga tao sa mga dumadalaw na turista – lokal man o dayuhan – binansagang “City of Gentle People" ang Dumaguete City, ang pinakamalaking lungsod sa lalawigan ng Negros Oriental. Sinasabing ang pangalan ng lungsod na "Dumaguete" ay hango sa salitang Visaya na "daggit" o dagit/hablot dahil sa madalas na pagsalakay umano noong unang panahon ng mga pirata sa karagatang sakop ng lalawigan. Sa paglipas ng panahon, ang bansag na dagit ay napanatili. Ngunit sa pagkakataong ito’y bunga na ng pagkahalina ng mga taong bumibisita na “nadagit" ang atensiyon sa ganda ng lugar at kabaitan ng mga tao. Taong 1572 nang pangalanan umano ng Spanish historian na si Diego Lopez Povedano ang lugar na "Dananguet." Pero pinalitan ito ni Murillo Velarde ng “Dumaguete" noong 1734 na nanatiling tawag hanggang ngayon. Sa layunin na makahikayat pa ng mas maraming turista, inilunsad ng lokal na pamahalaan ngayong taon ang kanilang slogan na, “Dumaguete, Simple The Place To Be." Noong 2011, umabot umano sa 207,971 ang bilang ng mga dayuhan at lokal na turistan na dumayo sa lungsod. Ang tourism related income sa nasabing taon ay umabot sa P15 milyon, malayo sa P2.5 milyon na naitala noong 2007. Isa sa mga kilalang landmark sa Dumaguete ay ang bell tower St. Catherine of Alexandria Cathedral na itinayo noong 1811. Ang Dumaguete Belfry na makikita sa Perdices St. ay kinumpuni noong 1985. - FRJImenez, GMA News

Tags: pinoytrivia