ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Trahedya sa isang sementeryo sa Marikina


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang araw bago ang Undas noong 1998, isang buntis na ginang ang nasawi nang mabaril ng isang lalaki dahil sa away sa trapiko sa loob ng isang sementeryo sa Marikina. Oktubre 31, 1998, palabas na sa Loyola Memorial Park sa Marikina City ang pamilya ni Noel Andres sakay sa kanilang sasakyan nang makagitgitan nito ang sasakyan ni Inocencio Gonzales Jr. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Noel at Inocencio na nauwi sa pagbunot ng baril ng huli at pinaputukan ang sasakyan ng una. Sa kasamaang palad, nasa loob ng sasakyan ang butis na asawa ni Noel na si Feliber, ang anak nilang si Keneth at pamangkin na si Kevin Valdez. Napuruhan ng bala si Feliber at tinamaan din ng bahagi ng bala ang dalawang bata. Sa ospital, hindi na naisalba ng mga duktor ang buhay ng ginang na nasawi sa sumunod na araw (Nov.1). Nailigtas naman ang sanggol sa kanyang sinapupunan sa pamamagitan ng cesarean operation. Dahil sa insidente, kinasuhan ng murder si Gonzalez. Naging mabilis ang paglilitis at ibinaba ang hatol na guilty sa akusado noong 1999 at hinatulan na mabilanggo ng habambuhay. Pero pagkaraan ng dalawang taon, nagdesisyon ang mataas na korte sa isinagawang pagrebisa sa hatol na ibaba ang kaso sa homicide at serious physical injuries. Ang habambuhay na hatol kay Gonzales ay naging pagkakakulong na lamang ng hanggang 14 na taon. -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia