Filtered By: Topstories
News

Unang US President na bumisita sa Pilipinas


Kilala niyo ba kung sino ang kauna-unahang nakaupong pangulo ng United States of America na nagsagawa ng state visit sa Pilipinas na nangyari noong 1960? Si dating US President Dwight Eisenhower ang unang nakaupong pangulo ng Amerika na nagsagawa ng state visit sa Pilipinas na nangyari noong June 14-16, 1960. Nang panahong iyon, nakaupong lider ng Pilipinas si dating Pangulong Carlos P. Garcia. Matapos ang kanyang pagbisita sa Pilipinas, naglayag patungong Taipei si Eisenhower. Si Eisenhower ang ika-34 na pangulo ng Amerika. Dalawang termino siyang nanungkulan bilang lider ng Amerika magmula 1953 hanggang 1961. Pumanaw si Eisenhower sa edad na 78 dahil sa karamdaman. - FRJimenez, GMA News
Tags: pinoytrivia