ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking aso sa Pangasinan, hinihinalang buntis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaking aso sa Bayambang, Pangasinan ang pinaniniwalaang buntis dahil sa lumalaking tiyan nito. Pero iba ang hinala rito ng isang beterinaryo. Sa panayam ni CJ Torida ng GMA-Dagupan sa may-ari ng aso na si Boyet Cabrera, sinabi nito na may gumagalaw sa tiyan ng kanyang alaga kaya naniniwala siyang buntis ito. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, inihayag naman ng beterinaryong si Dra. Vilma Bulatao ang kanyang pagdududa sa pagbubuntis ng aso dahil wala itong organ na pambabae para magbuntis. Hinala ng duktor na sumuri sa aso, mayroong ascites ang hayop o problema sa kalusugan kung saan naiipon ang tubig sa tiyan nito na dahilan ng paglobo. Ang ganitong kondisyon ay nangyayari rin sa tao kapag may problema sa atay. Kaya ang rekomendasyon ni Bulatao, isailalim sa ultrasound ang aso para makita kung ano ang laman ng tiyan nito. -- FRJ, GMA News