ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lalaking naglaro sa baril, aksidenteng napatay ang kaibigan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Masaklap na leksiyon ang natutunan ng isang lalaki sa Davao City na hindi dapat pinaglalaruan ang baril nang aksidente nang bigla itong pumutok at tamaan ang menor de edad niyang kaibigan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon, sinabing nagkita-kita nitong madaling-araw ng Huwebes ang mga magkakaibigan sa isang bahay sa Davao City. Sa loob ng bahay, pinaglaruan umano ng suspek ang dala nitong baril na biglang pumutok at tinamaan sa ulo ang natutulog na 15-anyos na biktima. Isinugod pa sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay. Tinutugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na pinaniniwalaang menor de edad din. Inaalam din kung saan nakuha ng suspek ang baril. – FRJ, GMA News
Tags: davaocrime, davao
More Videos
Most Popular