ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Anti-smoking campaign, mahigpit na ipinatutupad sa Iloilo City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Natutuwa ang Iloilo City Anti-Smoking Task Force (ICAST) sa pagbaba ng bilang ng mga naninigarilyo na nahuhuli sa mga pampublikong lugar. Sa panayam ni Jonathan Gellangarin ng GMA-Iloilo kay Iñigo Garingalao, Exec. Director ng ICAST, sinabi nito na maging ang mga guwardiya sa mga establisimyento ay nakikiisa sa ipinasang ordinansa sa lungsod laban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Ang mga guwardiya na umano ang sumisita at sumasaway kapag may nakitang tao na naninigaryo sa lugar na hindi sila dapat magsindi ng sigarilyo. Pinayuhan din ni Garingalao ang mga naninigarilyo na huwag nang magbakasakali sa paninigarilyo sa mga bawal na lugar upang hindi mahuli at magmulta. Layunin ng ipinasang ordinansa na gawing smoke-free city ang lungsod sa nalalapit na panahon. - FRJ, GMA News