ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hinihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf, arestado sa Zamboanga City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaresto ng mga pulis nitong Martes ang isang hinihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf sa isang mall sa Zamboanga City. Kinilala ni National Police spokesperson Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. nitong Miyerkules ang hinihinalaang bandito bilang si Algaber Said alyas Talha. Sa oras ng kanyang pag-aresto, mayroong P600,000 na pabuya para sa pagkakahuli kay Said. Ayon kay Cerbo, magkasamang dinakip ng mga pulis at militar si Talha sa loob ng isang mall sa Zamboanga City nitong 10:30 ng umaga ng Martes. Nakasaad sa mga impormasyon ng pulis na sangkot si Said sa ilang krimen, kabilang na ang 2001 Golden Harvest Plantation kidnapping at ang paglusob sa Dr. Torres Hospital sa Lamitan, Basilan sa parehong taon. Ayon kay Cerbo, inilipat na ang suspek sa pangangalaga ng opisina ng National Bureau of Investigation sa Zamboanga City para sa mas malalim na imbestigasyon. Ibinibintang ang ilang mga kidnapping at pambobomba sa timog Pilipinas sa grupong Abu Sayyaf, na umano'y mayroong pagkakaugnayan sa mga teroristang organisasyong al Qaeda at Jemaah Islamiyah. Mula 2002, may ilan nang mga US troops ang bumibisita sa Pilipinas upang sanayin ang kanilang mga Pilipinong counterpart laban sa mga pagbabanta ng mga armadong rebeldeng grupo sa Mindanao. — Amanda Fernandez/BM, GMA News