ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
NDRRMC: Bilang ng mga namatay sa bagyong Pablo, umabot na sa 418
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ni bagyong Pablo, na ngayon ay umaabot na sa 418. Aabot naman sa 383 ang nawawala, at 445 naman ang nasugatan. Sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council maaga nitong Biyernes, karamihan umano sa mga nasawi ay mula sa Compostela Valley at Davao Oriental. Sa 418 na namatay, 73 pa lamang ang nakikilala, dagdag pa ng NDRRMC. Ito ang talaan ng bilang ng mga namatay sa iba't ibang mga lugar na itnamaan ng bagyo:
- 110 sa New Bataan in Compostela Valley - 27 sa Boston, Davao Oriental - 21 sa Compostela, Compostela Valley - 10 sa Montevista, Compostela Valley - 9 sa Caraga, Davao Oriental
Samatala, aabot naman umano sa 5,141,356 katao mula sa 1,033,364 na mga pamilya sa 1,862 na mga barangay sa 188 na mga bayan, 29 na siyudad sa 26 na mga probinsiya ang apektado sa hagupit ni Pablo. Stranded naman hanggang 4:00 ng madaling araw nitong Biyernes ang 1,710 na mga pasahero, 227 na mga rolling cargoes, 79 mga barko, at 15 mga motor banca. — LBG, GMA News Tags: typhoonpablo, ndrrmc
More Videos
Most Popular