ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

12-anyos na biktima, patay sa saksak ng kapitbahay; suspek, napatay din ng pulis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 12-anyos na biktima na naglalaro lang sa kalsada sa Quezon City ang bigla na lamang umanong sinaksak at pinatay ng kanyang kapitbahay. Napatay naman ng mga pulis ang suspek matapos umano itong mang-agaw ng baril habang nakasakay sa patrol car. Sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV nitong Sabado, sinabing nagtamo ng anim na saksak sa katawan ang biktimang si Percy Sandoval. Isinugod pa siya sa ospital pero binawian din ng buhay. Kuwento ng saksi, naglalaro sa kalsada sa barangay Bahay-Toro sa Mindanao Avenue, Quezon City nitong hatinggabi ng Biyernes ang biktima nang bigla na lamang saksakin ng suspek na si Roel Habal. Nadakip naman ng mga pulis si Habal pero habang nasa loob ng patrol car ay sinakal umano nito ang drayber at nang-agaw ng baril. Dahil dito, napilitan ang isa pang pulis na barilin ang suspek na dahilan ng kanyang pagkamatay. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa nangyaring krimen. - FRJimenez, GMA News

Tags: rpcrimes