ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga patay na aso na gagawin umanong azucena, nadiskubre sa Malasiqui, Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

May 50 patay na aso ang naabutan ng mga awtoridad sa sinalakay na katayan ng naturang hayop para gawin umanong azucena sa Malasiqui, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Sabado, sinabing 22 buhay na aso rin ang nasagip ng mga pulis at miyembro ng Philippine Society for the Prevention of Cruelty to Animal (PSPCA). Ang pagsalakay sa katayan ay isinagawa noong Huwebes sa Sitio Dinampuan sa Brgy Taloy sa Malasiqui. Pitong hinihinalang nagpapatakbo sa katayan ang nadakip pero tumanggi silang magbigay ng pahayag. Naniniwala naman si Roberto Baya, animal welfare officer ng PSPCA, na malawak ang operasyon ng naturang grupo na nasakote sa Malasiqui. Sinabi ni Baya na ang mga asong inaakyat sa norte ay nanggagaling pa umano sa Batangas, Laguna at Cavite. Ang mga nakuhang buhay na aso ay dinala sa tanggapan ng PSPCA sa Maynila para masuri ng mga beterinaryo. Mahaharap sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang mga nahuli sa katayan. Posibleng magmulta sila ng tig-P5,000 sa bawat aso na nakuha sa kanila o makulong ng mula dalawa hanggang apat na taon. - FRJ, GMA News