ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinsalang dulot ng bagyong Pablo, mahigit P11-B na ang halaga—DA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot na sa mahigit P11-bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong "Pablo" sa sektor ng agrikultura sa anim na rehiyon, ayon sa Department of Agriculture nitong Miyerkules. Sa pinakahuling datos ng DA, nakasaad na nasa P11.565 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo, kabilang ang P10.371 bilyon sa commodities at P1.194 bilyon sa empraestraktura. Pinakamatinding naapektuhan ang banana industry kung saan umaabot sa P7.326 bilyon ang napinsala sa pananim. Samantala, nasa P1.24 bilyong naman ang pinsala sa iba pang pananim, P766.822 milyon ang pinsala sa coconut plantation, at tinatayang P407.392 milyon sa palayan. Ang pinsala sa sektor ng pag-aalaga ng hayop ay tinatayang aabot sa P415.163 milyon, at P407.392 milyon naman sa pangisdaan. Sa kabila ng pinsala, iginiit ni Agriculture Secretary Proceso Alacala na makakamit pa rin ang farm output growth target na 4.1 percent hanggang 5 percent para sa taong ito. Nitong Lunes, inihayag ng DA na isinasagawa na ang rehabilitation efforts sa mga lugar na apektado sa bagyong Pablo. Naglaan na ng P1 bilyon para sa farm reconstruction. -- Mandy Fernandez/FRJ, GMA News