ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dekorasyong pamasko na gawa sa kapis at giniikan, inilawan na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

SAMAL, Bataan- Sa saliw ng mga awiting pamasko, nagliwanag ang plaza at center island ng bayang ito ng Bataan nitong Biyernes ng gabi matapos ilawan ang mga dekorasyon, na ang malaking bahagi ay gawa sa kapis at giniikan. Umilaw ang tila malalaking bolang nakalutang na mistulang pasan ng mga anghel sa palibot ng plaza. Kasabay ding nagliwanag ang Samal municipal hall na ang mga bintana ay gawa rin sa kapis. Ang mala-higanteng chandelier na purong gawa sa kapis na nakabitin sa itaas ng center island sa tabi ng plaza ay nangingintab din sa liwanag. Hindi rin nawala ang pagsagitsit ng fireworks display na nagpaliwanag din sa madilim na papawirin. “Ginamit ang kapis sa mga dekorasyon upang ipakita na sagana sa mga ito ang karagatan ng bayang ito. Ang giniikan (tuyong dahan ng halaman ng palay) naman ay sumisimbulo na maraming tao rito ang umaasa sa pagsasaka," paliwanag ni Mayor Gene dela Fuente. -- Ernie Esconde/FRJ, GMA News

Tags: pasko