ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
19-anyos na dalaga, hinalay at pinagsasaksak ng screwdriver sa Roxas City
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Himalang nakaligtas ang isang 19-anyos na dalaga sa Roxas City, Capiz na 21 ulit na sinaksak ng screwdriver ng dalawang suspek matapos siyang gahasain. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing iniwan matapos gahasain at pagsasaksakin ng mga suspek, isang tricycle driver at kanyang backrider, ang biktima sa pag-aakalang patay na ito. Pero dahil hindi masyadong malalim ang tinamong mga sugat, nakaligtas sa kamatayan ang biktima. Nadakip na ang backrider pero itinanggi nito na may kinalaman siya sa krimen. Patuloy naman ang paghahanap ng pulisya sa tricycle driver. - FRJ, GMA News
Tags: rape
More Videos
Most Popular