ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rider ng motorsiklo, sumalpok sa kasalubong na bus, patay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang rider ng motorsiklo na nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan ang nasawi matapos na salpukin nito ang nakasalubong na pampasaherong bus sa Iloilo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing lumitaw sa paunang imbestigasyon ng pulisya na posibleng hindi napansin ng rider ng motorsiklo ang nakasalubong na bus kaya dumiretso ito sa pag-overtake sa sinusundan niyang sasakyan sa Dumangas, Iloilo. Hindi rin daw napansin ng driver ng bus ang motorsiklo kaya hindi ito nakaiwas. Sumuko naman ang driver ng bus sa pulisya pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon. - FRJ, GMA News