ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Simbahan na bahagi ng kasaysayan ng Camarines Norte, nasunog


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang sunog na pinaniniwalaang nagsimula dahil sa electrical overload ang tumupok sa isang simbahan na bahagi ng kasaysayan ng Camarines Norte. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing naabo ang 400-taong-gulang na Saint Peter Apostle church sa Vinzons, Camarines Norte. Nauna umanong nasunog ang kalapit nitong kumbento dakong 1:00 a.m. nitong Miyerkules at nadamay ang simbahan. Mabilis din ang pagkalat ng apoy dahil sa malakas na hangin. Ayon sa parish priest na si Fr. Francisco Regala Jr., kasamang nasunog ang ilang dokumento at historical artifacts ng simbahan. Ang nabanggit na simbahan na kilala rin sa tawag na Parroquia de San Pedro Apostol ay isa sa mga pinakamatandang simbahan sa lalawigan. Sinasabing itinayo ng Franciscan Friars ang simbahan noong 1611. -- FRJ, GMA News