ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lalaking aarestuhin ng mga pulis, binihag ang sariling asawa at anak
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang lalaki na aarestuhin sana ng mga pulis dahil sa kasong murder at rape ang nanghostage ng sarili niyang misis at anak sa Argao City, Cebu. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Biyernes, sinabing isisilbi ng mga awtoridad ang arrest warrant sa suspek na noong Hunyo pa umano nagtatago sa batas. Tumagal umano ng tatlong oras ang negosasyon bago nakumbinsi ang lalaki na mapayapang sumuko. Nakuha umano rito ang isang granada at baril. Nasa kostudiya na ngayon ng mga pulis ang lalaki pero tumanggi ito na magbigay ng pahayag sa media. - FRJ, GMA News
Tags: hostage
More Videos
Most Popular