ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Konsehal ng San Pablo City sa Laguna, patay sa pamamaril
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang konsehal ng San Pablo City sa Laguna matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa harap ng isang sabungan nitong Miyerkules ng hapon. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si konsehal Edgardo Adajar, na isa ring radio announcer sa Laguna. Sugatan din sa nasabing pamamaril ang driver-body guard ng konsehal. Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sinasabing dalawang lalaki ang nagsagawa ng pagpatay kay Adajar, na plano umanong tumakbo muli sa darating na halalan. Inaalam ngayon ng mga imbestigador kung konektado sa pulitika o sa trabaho nito sa media ang motibo ng pagpatay sa biktima. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular