ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Itinuturong kasama sa pamamaril ni 'Bossing' ng Kawit, Cavite, sumuko na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasa kostudiya na ng mga pulis ang lalaking sinasabing kasama ni Ronald “Bossing" Bae sa pamamaril sa kanyang mga kapit-bahay sa Kawit, Cavite nitong Biyernes. Walo katao – kasama si Bae at dalawang bata – sa mga nasawi sa naturang karuman-dumal na krimen. Sa panayam ng GMA News Online nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni Cavite Police Chief Senior Supt. Alexander Rafael, na sumuko sa pulisya si John Paul Lopez, 27-anyos, dakong 8:00 p.m. (Basahin: 'Bossing' ng Kawit, nag-amok at namaril; 7 katao ang patay, 9 pa, sugatan) “Sumuko siya around one hour ago. Nakipagnegotiate kami sa tiyahin niya. Nung nagkaroon ng contact sa kanya [Lopez], ayun sumuko na," kwento ni Rafael. Ayon kay Rafael, itinanggi ni Lopez na kasabwat siya ni Bae sa krimen na pumatay sa pito katao at ikinasugat ng siyam na iba pa sa Brgy. Tabon 1 sa Kawit nitong Biyernes ng umaga. “Sabi niya sa kanyang sworn statement, napilitan lang siya [Lopez]. Tinutukan daw siya ni Bae kaya siya tumulong na magbigay ng bala," ayon sa opisyal ng pulisya. Idinagdag umano ni Lopez na nagbibigay lang siya ng bala kay Bae at hindi nagre-reload gaya ng naunang napabalita. Sa ngayon, nasa Cavite Police Provincial Office sa Imus, Cavite si Lopez, ayon kay Rafael.   Patuloy pa rin umano ang gagawing imbestigasyon ng pulisya at pagkuha ng testimonya mula sa mga testigo para malaman ang pananagutan ni Lopez. -- Rouchelle Dinglasan/FRJ, GMA News