ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Akusado sa pagpatay sa dating news anchor ng 'Ratsada' sa Iloilo, sinentensiyahan na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte ang dalawa sa mga akusado sa pagpatay kay Chris Misajon, ang dating anchor ng local news program na Ratsada sa Iloilo. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing kumbinsido ang korte na matibay ang mga ebidensiya para hatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sina Rico Agilo at Rodney Gonzales. Pinatawan naman ng 12 taon hanggang 17 taong pagkakabilanggo si Michael Sombise na minor de edad nang mangyari ang krimen noong Setyembre 2004. Una rito, iginiit ng mga akusado na napilitan lang silang akuin ang krimen. Ikinatuwa naman ng mga kaanak at kaibigan ni Misajon ang hatol ng korte. Nasawi si Misajon nang madamay sa naganap na holdapan. -- FRJ, GMA News