ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

May sakit na OFW, 'di na umabot ng buhay sa pag-uwi sa Pilipinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang may sakit na overseas Filipino worker (OFW) na uuwi sana sa Pilipinas para magpahinga ang sumakabilang-buhay habang nasa himpapawid pabalik ng bansa mula sa Saudi Arabia. Sa ulat ng GMA news 24 Oras Weekend nitong Sabado, kinilala ang nasawing OFW na si Reynaldo Santos Ofracio. Ayon sa isang flight crew na tumangging magpakilala, kasama ni Ofracio ang kanyang misis sa pag-uwi sa bansa para magpahinga dahil na rin sa sakit nitong liver cirrhosis. Ilang oras bago lumapag sa Manila airport ang sinakyan nilang eroplano ay nasawi na ang biktima, na nagtrabaho sa isang ospital sa Jeddah. - FRJ, GMA News

Tags: ofws, sickofws