Mga Katoliko, lumalayo sa Simbahan dahil sa 'theological bullying' — 2 paring Heswita
Nagbabala ang dalawang kilalang mga pari na Heswita na maaaring talikuran ng mga Katoliko ang Simbahan kung patuloy na tututulan ng konserbatibong hanay nito ang RH Law, gaya ng ginawa ng mga ito noong panukala pa lamang ng naturang batas. "The Catholic Church is in trouble – even in Catholic Philippines," ani Ateneo de Davao University president Fr. Joel Tabora, S.J. sa isang blog post noong Huwebes. Sawa na umano ang mga tao sa asta ng mga lider ng Simbahan na kung makapagsalita ay parang sila lamang ang may hawak ng katotohanan at nag-iisip. "There ought to be great concern. People have been leaving the Catholic Church. People are about to leave the Church. What I am picking up is exasperation... People are tired of being treated as if they were younger than adolescents, of being scolded... People are tired of obstinate claims to absolute truth, when the thinking world continues to seek truth." Dagdag niya, "The feeling is: people are being strangled by this truth. Their reaction: Stop the holier-than-thou discourse, the theological bullying, the magisterial declarations, not because what you have said may not have been important, but because what you have said, you have said over and over and over again. Now, you are a broken record." "Give me now my chance to consider the arguments, think it over, and let me decide. Entrust me and my decision to my compassionate Father. I would rather entrust myself to him who can send me to hell, than to you with your stringent conditions for heaven!" dagdag pa niya. Sa hiwalay namang blog post, tinalakay rin ni Fr. Tabora, na may doctorate sa Philosophy, ang mga detalye tungkol sa RH Law, at sinabing hindi naman nito pinipigilan ang mga masunuring Katoliko na maging masunuring mga mananampalataya. Batid umano niya kung anong pag-iingat ang ginawa ng mga mambabatas na nagbalangkas ng RA 10354 para hindi mabalewala ang mga pinaniniwalaan ng mga Katoliko. "For me it is remarkable with how much care the legislators of RA 10354 provide for our citizens’ fidelity to religious conviction," ayon kay Tabora. Pahayag ni Fr. Bernas Samantala, isinulat naman ng isa pang kilalang Jesuit priest at miyembro ng 1986 Constitional Commission, Ateneo Law School dean emeritus Fr. Joaquin Bernas, S.J., sa kanyang kolum sa Philippine Daily Inquirer na siya ay nababahala sa ginagawa ng ilang preachers na paggamit sa kanilang pagtutol sa RH Law bilang sandata laban sa mga kandidatong pabor sa naturang batas. "[I am] rather disturbed by preachers who use their opposition to the law as a way of defeating electoral candidates who favor or have favored the law." "Tactics are being used which can have the effect of driving Catholics away from the Catholic Church or at least from Sunday Masses where the preachers subject the audience to prolonged attacks on the RH law and to threats of damnation against those who favor the law," aniya. Ayon sa kanya, "unimpressed" siya sa mga argumentong kumukwestiyon sa constitutionality ng RH Law sapagkat simple lamang umano ang ibig ipahiwatig nila, at ito ay: "The law is unconstitutional because it does not hew closely to the teaching of the Catholic Church on contraception." Samantala, nauna nang inihayag ng mga Dominicans, na nagpapatakbo ng University of Santo Tomas, ang kanilang patuloy na pagsuporta sa mga obispo laban sa RH Law. Sa katunayan, kamakailang lamang, ipinatigil nila ang pagsasagawa ng election forum kung saan inaasahang dadalo ang ilang mga pro-RH na kandidato. Matatandaan din na noong Setyembre, nanawagan ang isang Katolikong obispo na magsagawa ng imbestigasyon sa mga pro-RH na pakultad ng Ateneo, at nagbantang ipatatanggal angmga ito kung hindi nila itugma ang kanilang mga itinuturo sa turo ng Simbahan. Nang ilabas ng 192 mga guro ng Ateneo ang kanilang pro-RH na pahayag, naglabas din ang pangulo ng pamantasan, Fr. Jose Villarin S.J., ng pahayag kung saan sinabi niyang: “What our teachers have done is to stimulate critical thinking among our students." Petisyon laban sa RH law Noong Enero, anim na petisyon ang inihain para sa temporary restraining order (TRO) laban sa RH Law. Kabilang sa mga petitioner ay sina James Imbong at ang asawa nitong si Lovely Ann. Si Imbong ay anak ni Catholic Bishops Confernece of the Philippines (CBCP) legal counsel Jo Aurea Imbong. Ayon sa naunang ulat, sinabi ng mag-asawang Imbong sa kanilang petisyon na "unconstitutional" umano ang RH Law at kinukuta nito ang makapamilyang kultura ng Pilipino. Ayon sa petisyon: "[RH Law] mocks the nation's Filipino culture--noble and lofty in its values and holdings on life, motherhood and family life--now the fragile lifeblood of a treasures culture that today stands solitary but proud in contrast to other nations." Sa hiwalay na kolum, nagsalita rin si Fr. Bernas tungkol sa pinakahuling kasong kinakaharap ni Carlos Celdran, na inakusan ng "offending religious feelings" nang mag-protesta siya sa gitna ng ecumenical service noong 2010 sa loob ng Manila Cathedral. Iginiit ni Bernas na mayroon ring pakiramdam ang mga nagtatanggol sa RH Law at nasaktan din ang mga ito kapag nagsasalita ang mga pari laban sa mga tagasuporta ng batas habang nasa loob ng Sisimbahan. "When a priest or bishop castigates or consigns to the netherworld those who oppose the Reproductive Health Law in a sermon before a captive audience of churchgoers, should he be penalized by the State or canonically censured for offending religious feelings?" ayon sa blog ni Fr. Bernas. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News