ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bahagi ng Roxas Blvd, isasara sa Sabado para sa fun run ng Adamson


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang bahagi ng Roxas Boulevard ang isasara sa trapiko sa darating na Sabado ng umaga upang bigyang-daan ang fun run ng Adamson University.   Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority nitong Biyernes, isasara ang southbound lane mula Katigbak hanggang President Quirino Avenue dakong 5:30 ng umaga.  Sa Twitter post ng MMDA, ang mga motoristang manggagaling sa hilagang bahagi ng Manila ay dapat lumiko pakaliwa pagdating sa P. Burgos Drive, kakanan sa Ma. Orosa St., kanan sa T.M. Kalaw St., tapos kakaliwa sa M.H. del Pilar St.   Sinabi rin nito na maaaring daanan ang Taft Avenue papunta sa kanilang mga destinasyon. Ang fun run na tinaguriang "Falcons Let's Run 3" ay bahagi sa mga aktibidad ng unibersidad sa pagdiriwang nito sa kanyang 81st foundation anniversary. Gaganapin ang fun run sa may Quirino Grandstand mula alas-5 hanggang alas-9 ng umaga. — LBG, GMA News