ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nag-aapoy na bulalakaw na bumagsak sa Luzon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba kung saan lugar sa Luzon bumagsak ang bulalakaw o "fireball" na naligaw sa Pilipinas eksaktong labing-tatlong taon na ang nakalilipas? Nagliwanag ang madilim na gabi noong Pebrero 17, 2000 sa bahagi ng Bataan nang mamataan ang nag-aapoy na bola na tinatayang dalawang metro ang laki. Kalaunan, kinumpirma ng mga awtoridad na isa itong bulalakaw na umabot sa mundo. Batay sa testimonya ng ilang saksi, nakarinig sila ng pagsabog at nasundan ng nakasisilaw na liwanag nang makita ang bulalakaw. Basahin: Meteorite hits central Russia, more than 500 people hurt Nang matantiya kung saan bahagi ng Bataan posibleng bumagsak ang bulalakaw, nagmistulang paligsahan ang paghahanap ng mga residente sa bayan ng Bagac at Balanga sa bahagi ng bulalakaw na posibleng hindi nalusaw nang tumama sa lupa. Nagkaroon pa ng alok na pabuya ang isang lokal na opisyal sa lalawigan sa sinumang makakahanap ng bahagi ng bulalakaw. Gayunman, walang bahagi ng bulalakaw na nakita sa lupa kaya pinaniniwalaang sa dagat ito bumagsak. - FRJimenez, GMA News